Tuesday, January 04, 2005

Nasan na ko?

Bumalik sa ala-ala ko yung gabing nakasakay kami sa kotse ni Dada Al pauwi mula sa isang EB kasama ang mga kaibigan namin sa RX-Talk. Maisingit ko lang muna na ang RX-Talk ay mailing list ng isa sa pinakasikat na FM radio station, RX93.1. Sa grupong ito nabuo ang pagkakaibigan sa pagitan ng mga bata at matatanda, ages range from 14-30+. Pwede kayong magtaka kung panong nagpapanagpo ang pag-iisip namin gayong me generation gap. Pero wala akong masasabing malinaw na sagot maliban marahil sa hindi kami nagkakasama para lamng gumastos ng pera at lunurin ang mga sarili namin sa beer. Nagkakasama kasi dahil gusto naming makilala ang bawat isa ng lubusan - mula pabango hanggang paboritong artista, mula kantiyawan hanggang sa bolhan.

Balik lang ako sa gusto ko talagang ikuwento. Nung gabing yun, tinanong ako ni Dada "So Janie, seryoso ka na talaga ke Mike ha?" (ngayong naalala ko to parang ang dating sa akin ng tanong eh player ako ah! Hmmmm ... Nah, nde intensyon ni Dada Al un.) Nweis, tumango ako kasabay ng isang magandang ngiti. Umayuda pa si Dada Al, "Matutupad pala un sinabi mong mag-aasawa ka pag 25 ka na." kasunod nun ay ang mahaba-haba pang kwentuhan kasi sumabat na yung ibang nasa kotse. Si Yabz at Deo ata yun.

Ngayon naisip ko, nasan na ko? Natuloy ang pagpapakasal ko sa edad na 25 (isang kasal na naging ugat ng isang istoryang kikita ng malaki sa Maala-ala Mo Kaya .. ehehehe). May isang anak na napakaganda (isa pa lang. family planning) at isang asawa na wala na atang hihigit pa. Ano pa? Isang libo't isang laksang mga pangyayari na sumubok at patuloy na sumusubok sa katatagan ng aming pagsasama (sabi ko sa inyo eh, pang MMK buhay ko. Baka pwedeng maging Mano Po 4: My Wedding ... ehehehe).

Lagi kong sinasabi na kahit gaano pa ko maging successful sa aking career, ang kabuuan ng tagumpay ko ay ang pagiging ina at maybahay. Iyon ako, iyon ang gusto kong maging.

Saan ngayon papunta ang sinusulat ko na to? Hindi ko rin alam. Ito lang marahil ang sinulat kong hindi ko alam kung bakit ko sinusulat(o tina-type). Pwedeng nalulungkot lang ako dahil malayo ako ngayon sa pamilya ko. Maaring gusto ko lang mang-inggit .. ehehehe. Hindi ko alam talaga. Sa susunod na lang.


*note: originally posted at Xanga, dated Sunday, October 31, 2004

1 comment:

Anonymous said...

i thought you were confused with the title you have there. but at least you're happy right now years after that conversation with Dada Al. i also asked the same question to myself, and unfortunately i already have the answer. unfortunately, in a sense that my answer is the opposite of yours. i never thought i will be in this situation, but i'm still fighting.

you were entirely right about having a happy family over career. i believe in that, but i think it mostly applies to wives, or would-be-wives.

Ode to my Family

when everything is, and even when it's not; when the days are bright, and even when sun's not in sight; i take a look at you and...