Ang tao, habang tumatanda at nabubuksan ang isip sa samu't-saring kaalaman, nagbabago. Maaring maging mas mabuting nilalang o madala sa mabilis na daloy ng kawalang-patutunguhan.
Ang tao rin, habang nagiging maalam (pwede ring tingin nya lang maalam na sya), ay nagkakaroon ng pakiramdam na angat sya sa iba, na lagi syang tama. Na kung ano man ang binitawan nyang salita, itaga mo sa bato at maubos man ang buhok, paninindigan nya yun.
Napakadali sa isang tao ang mag-ari ng papuri at pagkilala na "Oo, tama ka.". Subalit napakahirap namang tanggapin, lalo na sa sarili, na "Punyeta, mali ako!"
Bakit nga ba? Kabawasan ba ng karangalan ang umako ng kamaliang ikaw naman talaga ang maygawa? Maayos ba ang isang bagay kung patuloy mong paninindigan ang isang maling desisyon dahil lang takot kang masabihang tanga? O katangahan nga ba ang magkamali?
Maraming pwedeng maging puno't dulo ng isang pagkakamali. Ngunit gano man ang gawing pagdepensa sa kung bakit ka naging mali, isa lang ang nanatiling katotohanan. Mali ka. Tanggapin na lang at magsuhestiyon kung pano mo itatama yun. Pano itatama ha, hindi kung pano mo isasalba ang sarili mo sa pagiging tanga (oo na, nde na katangahan ang magkamali. pero sa kawalan ng ibang termino, tanga lang talaga pwede ... ehehehehe). Yun, eh kung paniniwalaan ka pa - at yan ang mahirap.
Me mga araw pa naman na parang pinagbagsakan ka na ng mundo at parang lahat ng gawin mo ay palpak. At ang masaklap pa, ang pagtanggap ng kamalian ay parang paglunok ng pinakamapait na gamot na pwede mong matikman. Mahirap tanggapin pero alam mong dapat mo ng lagpasan. Be done and over with, ika nga. Tapos, nde pa agad mawawala sa panlasa mo ang pait at habang pilit mong winawaksi ang pait, para namang nanunudyo ang isip at paulit-ulit na maglalaro yung maling nagawa mo. Minsan pa, dala mo hanggang pag-idlip at magugulat ka na lang na pagkalipas ng panahon, nasa balikat mo pa pala. Ay saklap!
Ayus lang yun, part of growing up. Lahat naman nagkakamali, everybody goes thru a phase of stupidity. Charge it to experience na lang. Tawanan mo pag nababalikan, ngusuan mo lang yung mga nanunudyo, ismiran mo pag wala na sa hulog. Pero wag mo nang patulan, katangahan na naman yun. Ok, fine, mali lang pala.
Pero putsa, mahirap talagang tanggapin na mali ka ha! Whew! Pero oks lang. Ayl be payn!
Friday, June 22, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ode to my Family
when everything is, and even when it's not; when the days are bright, and even when sun's not in sight; i take a look at you and...
-
Job is done (at least here in Bangkok), flight is rebooked, the documents that need to be brought back (the fruits of my labor! lavyah!! :D)...
-
I was able to watch again the movie "The Next Karate Kid", featuring of course my fave Jap Mr. Miyagi, along with Hilary Swank (l...
-
Writing has been, and will always be, my passion. Be it may for a life-long dream of commercial release (re: hoping to be recognized and be...
No comments:
Post a Comment